"Uminom ng 1 basong tubig o gatas bago matulog. " - DJ Arnel
"Malalaman mo kung luto o hindi ang itlog sa pagpapaikot nito. Kapag pinaikot at mabilis ang galaw, ito ay luto. " - Misho
"Ang itlog na pwede pa lutuin ay malalaman sa pamamagitan ng tubig. Ilubog ito sa 1 timbang tubig. Pag lumubog ay pwede pa. Ang mga lumutang ay itapon na." - Lorie
"Patayin lahat ng ilaw para makatulog ng maaga ang mga bata sa kwarto. " - Arnel
"Magdasal kayo ng sama-samang pamilya bago matulog. Siguradong matatanim sa isipan ng iyong mga anak ang inyong ginagawa hanggang sa siya ay tumanda." - DJ Arnel
"Iwasang magsuot ng itim sa gabi lalo na kung tatawid, magbabyahe ng nakamotor o bike, o maglalakad sa gilid ng highway. Hindi agad napapansin ng isang mabilis na motorista ang itim na kulay sa malayo kaya kadalasan na nagiging mitsa ito ng aksidente." - DJ Arnel
"Huwag itapon ang tangkay ng alugbati . Itanim ito sa lupa at siguradong tutubo ito at lalago." - DJ Arnel
"Lagyan ng asukal ang dila kapag nakakain ng sili o maanghang ang pagkain." - DJ Arnel
"Ihiga ang walis ting-ting para mas mabilis makawalis sa labas. Mas epektibo ito sa mga maliliit na basura gaya ng mga dahon o bulaklak ng mangga." - Arnel
"Piliin mo ang mga kaibigan na nakasama mo sa hirap ng buhay. Ang mga kaibigan kapag may pera ka ay napakarami. Kahit hindi mo kakilala ay siguradong magiging kaibigan mo ng di-oras." - DJ Arnel
"Lagyan ng kaunting chlorox ang arinola para hindi siya pumanghi." - DJ Arnel
"Gumamit ng transparent eye glass o face shield sa tuwing magpiprito. Ito ay upang maprotektahan ang mata sa hindi inaasahang talsik ng mantika. " - DJ Arnel