YTTERS History (Original 2002 Version)

Ako si Arnel Milan. Dating miyembro ng Crest Clan at ngayon ay Founder na ng Ytters, dating PCU Student nakatira sa Pasay. Nagsimula lang naman lahat ng ito noong ako ay maging chatters dito sa Yahoo. Inaamin ko. Ako ang gumawa nitong website na ito PERO HINDI AKO MARUNONG SA MIRC!!! (ito yung chat na bukod sa Yahoo)


Dati ako sa Global Pinoy Chat kaya lamang ay masyado silang mahigpit na maling type mo lang o kaya ay pangit na code ay KICKED OUT ka na! Bukod pa sa hindi mo makikita ang profile ng mga ka-chat mo o kaya ay picture o kaya naman ay web cam.

Naglibot din ako ng ibang chatroom pero nakita ko ang Yahoo na pinakamaganda at pinakamabilis. Maganda kung sa maganda ang Yahoo! ok na... kaya lang ay nasubukan mo na bang magpadala ng kanta (ex. mp3)? Di ba hindi pwede? yan ang problema!

Sa lobby naman ay di maiaalis na maboot ka. Lahat naman tayo ay nakaranas noon. KAHIT NA ISA KA PANG TOPNOTCHER NA BOOTER! Natural lang yan. At hindi rin maiaalis na ikaw ay magpunta sa iba-ibang room para sa tipo mong kausapin. User Room para sa mga bastos o kung ano pa man. Lobby naman kung General Term ika nga. At syempre ay maghahanap tayo noon lalo na kung hindi on-line ang ka-chat natin. Di ba? (Ako din e!)

Marami naman kasing pinaggagamitan ang chat. Libangan, mapaghahanapan ng makakausap, mapagtitripan, ipalabas ang tunay o lihim na anyo (ito yung mabait sa personal pero luko-luko sa chat o kaya naman ay yung mga taong gustong i-express ang mga sarili nila kagaya ng mga bastos na naghuhubad. ALAM BA NINYONG MAY MGA PINAG-ARALAN YANG MGA YAN? kasi kung hindi ay siguradong pagbukas pa lang ng computer ay hindi na kaya niyan at siguradong hindi niya alam iyan! Tama ba ako? Yan ang mga tinutukoy ko at marami pang iba.

Sa iba namang advantage ng chat ay nariyan ang magpatulong ka ng projects o assignment, research, love problem, taong makikinig sa mga problema mo at maari namang isang tao o kasintahan na di mo makita pero nasa internet lang pala at naghihintay. Kagaya ko kay Maria Christina o si Ate Gem nyo. Dito ko lamang sya nakilala pero nakagawa ako ng website na kasalukuyang binabasa mo at napagdodownloadan ng mga kailangan mo kung sakali.

Isa akong Booter, na gumamit na ng iba't-ibang SN (Screen Name) at hanggang sa magsawa ako sa kakapapansin ko sa sarili ko. Kasi ay ganito : Iboboot kita, tapos ano kasunod? wala! Magagalit ka at pansamantalang kayabangan naman ang madarama ko. Pero pag ako naman ang naboot ay galit na galit ako. Lalo na hindi mo alam kung bakit o yung tinatawag na nagpakahirap kang makapasok o maka-connect tapos pag pasok mo ng room ay BOOT AGAD ang sasalubong sa iyo???? Sakit ng ulo no? Lalo na hindi mo kilala kung sino ang nambot sa iyo!!! Grrrrr...

Dahil dito ay kailangan kong maghanap ng site na para ba manahimik na ako.... yun ang PINOY 16. Nakilala ko sina Inthesame, Flip, Sorcerer, Gemini_Gemz , Silent_Snitch, Pilya at maging si PUTANG_AMA_MO na kontrabida sa amin. Di masaya kapag walang kontrabida di ba? Noon ay kabago-bago pa lang ng yahoo 5.5 messenger at bilang pa lang ang may pamboot (isa ako sa meron) kayadi na uso ang mga boot-boot uli. Gamit ko ang SN na Crest_DJ_Arnel. Katatatag pa lang ng Crest at isa ako sa mga naging miyembro nila. Ako ang DJ ng Crest at Booter sa mga makukuletz. Ika nga ay Booter ng mga Booter. Dito ko ginamit ang husay ko sa pamboboot at paggamit ng anti-boot kaya ang 16 ay kadalasang nagiging warzone o testingan ng mga pamboot.

Maganda ang Crest at hindi ako nagsisisi. Kaya lang ay (para sa akin at sa ibang crest) ay hindi nila kami binigyan ng importansiya. Maganda ang site nila at naroon ang mga picture nila subalit kami ay wala. Kasama ko dito si cute_guy_jhojo na nagbabantay sa mga makukuletz at nagbibigay ng mga magagandang sounds. Nariyan si Denshie at Pilya na makakapagpatunay na sounds lang ang hilig namin at simple lang. May mag dumadayo sa 16 at nagrerequest ng kanta at napagbibigyan naman namin dahil 1,587 ang laman ng MP3 na nakakabit sa computer ko na kahit paano ay bilang lang yung mga hindi mapagbibigyan ang request.

Matagal akong naging Crest, active at kahit paano ay nag nais na tumulong o magbigay ng mga kaalaman ko pero dumating ang panahon na hindi nila inilalagay ang picture ko at ako ay nagsisilbi lamang bisita sa kanilang site as Guest. #5 ako doon silipin nyo. At bukod doon ay nag-iba sila ng site na hindi man lamang nag-offline message sa akin kung saan yun at kailan pa yun. eto ang site :www.crest.da.ru

Naisip naming tanungin.Ano ba ang Crest? Bakit may Crest? At para saan ang Crest? Ang sagot ay ito:

Crest = Mula sa batong Crest

Bakit may Crest? = Para sa mga Chatter ng PINOY 16 ONLY!!! (silipin mo website at offical site ay Pinoy 16)

Para saan ang Crest? = Unknown dahil walang sumasagot nang tanong ko

Dahil sa hinanakit namin at pagbalewala sa amin ay nabuo ang grupong Y-tters o ang tinatawag na Yahoo-Chatters. Gumawa kami ng isang site at nagsama-sama kami para sa aming sarili. Mahirap lang kami at hindi katulad ng iba. Nakikirent lang kami at nagnanais na matuto ng PC at makasalamuha ang ibang tao.

Gumawa kami ng web site at nagtayo ng grupo. Mayroon syempreng inspirasyon, kagaya nina Gemini_Gems(Rm 16), Dry Ice(Rm 10), Tanya Garcia (Rm 3), Survivor (Rm 5), Tropang Otso (Rm 8), Alas na hudas (Rm 19) Tisayann at Breathlesscme ng User Room (Sex, Sex, Kantutan), Gangstah_Killa (Rm 7) , Putang_ama_amo (Rm 16), Room_breaker (Rm 5), III_CHONGKE_III at III_SABOG_III (Rm 10) at ito ngang Crest. At iba pa na nagsisilbing encourage at inspirasyon para maproteksyunan ang ibang chatters laban sa mga ito.

Mapapansin ninyong Booter ang ilan sa mga nabanggit ko dahil ito ang mga nakakabangga ko at kinatatakutan o kinaaasaran kapag nasa room na. Ito ang mga tao na nakakalaban ko at ng mga tropa para proteksyunan ang room sa mga boot at nagmumura. Sinasalo nila ang mga away at nakikipaglabanan ng sabayan sa pagboot ang tropa........ na ngayon ay tinatawag na Y-tters. Sadya talaga na may mga anti-boot, malulupit at epektibong boot na mga pamboot ang gamit nila kung kaya mas kilala ang ang Y-tters na Booter ng mga Booter.

May sarili din itong MP3 o kanta ng murahan at rap na puro katarantaduhan kung kaya ang isang booter o nagpapapansin sa mic ay siguradong walang magagawa at mapapaos lang dahil sa mga recorded lines na kalaban nila. Na syang tinatawanan lang kapag may kalaban na Booter.

Baby-boot ang tawag sa pamboot na hindi epektibo. Dalawa sa mga booter ng Y-tters ay si Gorgeous_Bhabe at si Zyryll (na parehong babae) na hindi nyo alam ay nagmamaintain ng room.

Karamihan sa mga Y-tters ay booter at bata na kahit I-boot mo ng i-boot ay hindi sila titigil hanggat hindi sila nakakaganti. Sa kabutihang palad ay naipon ko ang mga ito at napasama ko sa grupo. Isang kabutihan ay ang mapasunod sila. (Kahit sila mga delikado pagdating sa room.)

Dinesign ang Y-tters web site dahil ito lang ang web site na sa tingin namin ay purong tagalog at pinoy ang dating. Bakit??? Kano lang ba may karapatan sa Internet? PILIPINO din! Kaya pag di nila alam makabalik ay mas mainam na CTRL-ALT-DELETE na lang nila dahil malilito sila sa lenguwaheng Pinoy!

Ang Y-tters ay hindi ordinaryong samahan na basta ka na lang papasok na para bang sarili mong bahay ang iyong pinapasukan. Dito kasi ay maari kang mag-download ng pamboot, anti-boot, emoticons, mga ginagamit sa YM at etcetera na di tulad ng ibang site na puro litrato lamang nila ang nakalagay at maliban doon ay wala ng pakinabang.

Hindi ganoon ang Y-tters.

Kagaya ng inyong mga sign o pagpasok dito at gusto ninyong baboyin ang aming Guestbook ay hindi maaari dahil may Automatic IP Detector ito na nakakabit para matatrace ang inyong PC upang kayo'y I-Banned o kaya naman ay padalhan ng virus sa pamamagitan ng FTP (File Transfer Protocol) na hindi nyo alam.

Hindi dinesign ang website na ito para gawing katawa-tawa kaya naman ang umpisa nito ay parang warning sign na na kapag pumasok ka ay ninanakaw na nito ang IP address mo ng di mo namamalayan.

Gaya ng pagbasa mo nito. Nasa amin na ang IP address mo at maari ka na naming i-ban. O paki-alaman ang PC mo kung saka-sakali.

Yan ang Y-tters, mabait sa mababait. Hindi kami tarantado basta hindi kami tatarantaduhin. Hindi kami gago basta hindi gagaguhin.....

AT HINDI KAMI BOOTER..... HUWAG LANG KAMI I-BOBOOT.......

MABUHAY!!!!


Positive SSL