Ingredients:
NGREDIENTS:
1 kilo chicken (cut into serving pieces)
Salt and pepper to taste
Cooking oil
5 pcs. Semi-ripe saba banana
1 medium carrot (cut into wedges)
2 small potatoes (cut into wedges)
4 cloves garlic (minced)
1 medium onion (minced)
2 medium tomatoes (chopped)
Patis (fish sauce to taste)
1 cup tomato sauce
Pepper to taste
1 pc. Chicken broth cube
2 to 3 cups water
10 pcs. Green beans
1 bunch pechay (or cabbage)
1 can (175g) pork n beans
Instructions:
1. Timplahan ng kaunting asin at paminta ang manok, mix mabuti, set aside.
2. Sa isang kawali, magpainit ng mantika at iprito ang saging na saba hanggang maglight brown. Set aside. Iprito din ang potatoes at carrot hanggang maglight brown, set aside. Then, ilagay na ang manok at iprito (sear) ng bahagya hanggang magbrown ang magkabilang side.Pag brown na, alisin muna sa kawali, set aside. Alisin ang ibang mantika sa kawali kung kailangan.
3. then, igisa ang bawang at sibuyas hanggang bumango ito. Isunod ilagay ang kamatis at igisa hanggang medyo madurog ito. Lagyan ng patis at hayaang sumingaw ang aroma ng patis. Then, ilagay na ang tomato sauce. Igisa ng kahit 1 minute.
4. ilagay na ang naprito (naseared) na chicken. timplahan ng paminta at maglagay ng chicken cube (pwedeng wala). Lagyan na rin ng tubig depende sa dami ng sabaw na gusto mo. Takpan at lutuin ng 15 to 20 minutes.
5. After 15 minutes, ilagay na ang banana, potatoes, carrot, green beans, tangkay ng pechay at pork n beans. Haluin at takpan. Lutuin ng 2 to 3 minutes.
6. after 3 minutes, ilagay na ang dahon ng pechay. Tikman din ang sauce, timplahan pa ng asin (patis) or paminta depende sa panlasa mo. Pag lanta na ang dahon ng pechay, luto na ito.
Enjoy!